Slam poetry vol. 1 (FREE WRITING) PAG-IBIG SA DULO NG LAPIS oo oo ang sinabi mo 'nung una kitang tinanong kung mahal mo ko oo din ang bumulusok mula sa nakangiti kong labi 'nung tinanong mo kung mahal kita ngunit hindi... hindi ang iyong tugon sa tanong kong, KAYA MO BA AKONG IPAGLABAN? hindi din ang sagot ko sa tanong mo na, KAYA MO BA AKONG BITAWAN? Siguro nga pareho lang tayo... Pareho lahat sa mga sagot na nilikha natin Pero tututol ako kapag sinabi nilang magkatugma ang mga tanong natin Lahat ata hindi maari... lahat ata ay di akin. Mabuti na nga lang sa mga panahong hindi ko maintindihan kung may TAYO ba, Naiisip ko na lang ang future na TAYO na. Mali ba? Mali bang maramdaman na kahit sa maikling sandali lang ay naging bahagi ka ng buhay ko? at naging bahagi ako ng buhay mo? kahit isang malaking fuck you ang lahat. natatandaan ko pa 'non, pa-ngiti ngiti ka pa sa harap ko. nahuhuli ko 'yang mga mata mo, lumiliwanag kapag nakikita
TAYO NA LANG BA? Hindi ko naman naisip na lumayo... dahil lumalapit ka. Bakit naging ganoon? Hindi ba pwedeng permanente ang paglayo? Subukan ang puso na 'wag magpadala sa panunuyo? Mahirap. Mahirap kumapit sa alam mong wala kang kakapitan. Para kang lumaban na hindi mo alam na sya ang kapitan. Kapitan ng puso mong naghahangad na mapansin. Tumingin. Sumilip. Pero di pwedeng kunin. Isa kang mahika. Isang alamat na kahit si Genie ay di makuha ang lohika. Baliw. Musika ang saliw. Hihimbing pero magtatanong pa rin... Tayo na lang ba? Tila isang tunog sa lumang music box na may rosas, Alam kong may pag asa kaya pinipitas. Ngunit 'di lahat ng pinipitas ay inaalagaan, dahil ang iba ay pinaglalaruan. Di ko kayang lumayo dahil lumalapit ka. Isang laruan, tama lang, dito ka lang. Di ko kayang lumayo lumapit ka lang. Ngayon alam ko na. Ayoko ng tayo na lang ba? Dahil ang gusto ko ay tayo na talaga.