Skip to main content

ALPHABET SERIES /part 20/

 


TAYO NA LANG BA?

Hindi ko naman naisip na lumayo... dahil lumalapit ka.

Bakit naging ganoon?

Hindi ba pwedeng permanente ang paglayo?

Subukan ang puso na 'wag magpadala sa panunuyo?

Mahirap.

Mahirap kumapit sa alam mong wala kang kakapitan.

Para kang lumaban na hindi mo alam na sya ang kapitan.

Kapitan ng puso mong naghahangad na mapansin.

Tumingin.

Sumilip.

Pero di pwedeng kunin.


Isa kang mahika.

Isang alamat na kahit si Genie ay di makuha ang lohika.

Baliw.

Musika ang saliw.

Hihimbing pero magtatanong pa rin...

Tayo na lang ba?


Tila isang tunog sa lumang music box na may rosas,

Alam kong may pag asa kaya pinipitas.

Ngunit 'di lahat ng pinipitas ay inaalagaan,

dahil ang iba ay pinaglalaruan.


Di ko kayang lumayo dahil lumalapit ka.

Isang laruan, tama lang, dito ka lang.

Di ko kayang lumayo

lumapit ka lang.


Ngayon alam ko na.

Ayoko ng tayo na lang ba?

Dahil ang gusto ko ay tayo na talaga.








Comments

Popular posts from this blog

CAROUSEL'S CAROL

  ALPHABET SERIES /part 3/   Joyful tears cascaded down my cheek,     as the striking piece of memory pops like a gee.     The calendar was still ringing with mental traces,     while the history of my timeline presents. In this 6-cycle carousel, where laughter are dancing with the wind, where colts are running with a hard tail  of course hair, where old folks are turning like 7-year old kids. "  I tell you the past is a bucket of ashes." Carl Sandburg declared. " The future is purchased by the present." Samuel Johnson said. " When all else is lost, the future still remains." Christian Nestell Bovee cited. But for me, all would have treasured in the end.     Singing the lullaby of the ended days,     Pursuing to locked in the invented brains.     It maybe a child's game,     but happiness are all the same.

When The World Says It's Over

    "Maybe I'm just too numb to realize that cats will never be with rats forever." WINTER OF 2000     You are my safe haven.     Once, I dreamt of a beautiful castle just like in fairy tales guarded by hundreds of sentinel and served by thous ands of  maids and butlers. But now, I'd just dream of a home. Being a solitary creature, I enjoy every moment with myself, pleasuring the time left in my fabricated hour glass and making my own time machine for rewinding auspicious moments...      Until you came...     Every time I see you outside my porch, half-smiling with the gentle blow of the wind on your face, I realized that I am no longer a loner. That morning, you came with your enchanting militaristic posture. And I know, as you also knew that, that was the reason why my heart started beating with the rhythm th at's e xactly your own.     You h ave  entered to my so-called solitary sanctuary and changed everything. "I have to set everything aside."

Sa Isang Iglap : Pag-amin (PART 1)

Hindi ko namalayan na iniisip na pala kita. Akala ko naaalala ko lang 'yung mga bagay na nangyari sakin sa isang buong araw. Akala ko normal lamang na maglaro ka sa imahinasyon ko dahil bahagi ka ng labing-dalawang oras ko sa kalsada.  Nagtataka lang ako. 'Nung una, isang tipikal na araw lamang ang pagpasok sa opisina. Isang tipikal na oras lamang ang paghikab sa jeep ng dalawang oras. Isang tipikal na minuto lamang ang pagtambay sa cafeteria nang nag-iisa. Pero ngayon parang ang mga bahaging iyon ay hindi na mauulit kasi dumating ka. Nagtataka lang ako. Sanay akong mag-isa. Lahat ata ng bagay ginagawa ko ng walang tulong. Kumakain sa labas ng mag-isa, nagkakape sa labas ng mag-isa, bumibili ng libro mag-isa, tumatambay sa Happy Lemon ng mag-isa. Pero ngayon tinatanong ko sa sarili ko kung pwede ba kitang yayain minsan? Tambay naman tayo.  Nagtataka lang ako. Bago ka dumating, isa akong pribadong tao, misteryoso sa paningin ng iba. Lahat sinasarili ko,