Dumilat ako.
Nagbabakasakaling may nagbago.
Tinikom ang bibig at nilibot ang mga mata,
ngunit dumugo ang puso sa nakita.
Lumisan ang dagat sa matang nanlulumo.
Naging bato nang kumunot ang noo.
Bingi ba sila upang hindi marinig,
hiyaw ng nagbabagang hangarin.
Puno ang bibig ng matatamis na salita,
habang ngiting asong naliligiran ng pera.
Nakabarong sa gitna ng kadungisan.
Utak at budhi ang naglilinis-linisan.
Dungis sa lipunan,
Salot na pangako ang lulan.
Platapormang hilaw ang handog kay Juan Dela Cruz.
Ngunit tayo pa rin ang nagpapasan ng krus.

Comments
Post a Comment