Skip to main content

KENDI

    "Sana nalaman ko na dati pa, para inakay kita sa mga sandaling nadadapa ka sa batuhan."

    Tirik na tirik ang araw. Nakakapaso. Heto ako humihingal habang tumatakbo papunta sa papaalis na tren. Huli na naman ako. Agad akong nagbayad ng pamasahe sa matandang babaeng nakakunot ang noo. Siguro kagaya ko, galit din siya sa nakakapasong araw. Napatingin ako sa nakasabit na orasan malapit sa kinatatayuan ng isang guwardiya. Ala-una na ng hapon. Humakbang ng mabilis ang aking mga paa. Nararamdaman ng sapatos ko ang sakit ng sampal ng umaapoy na semento. Agad akong sumingit sa alon ng mga tao. Sa pagkakataong ito, hindi ako pwedeng sumalungat sapagkat iisa lang ang hangarin namin. Iisa lang ang patutunguhan. Nang mapadpad ako sa pusod ng mga galit na tao, dito ko napansin ang masakit na reyalidad. Pinaniniwalaan pa rin pala ng iilan ang mga katagang, "Padaanin niyo ako! buntis ako!" habang nakangiti siya dahil may naloko siyang tao. Eto pa, "Aray! tinamaan mo yung pilay ko! Saglit paunahin mo ako!" at makikita mo 'yung pilay deretso nang lumakad nang makapasok sa loob ng tren. KUNG GANITO LANG KADALI LOKOHIN ANG MGA TAO, 'EDI SANA SINABI KO NA LANG NA ANAK AKO NI AMPATUAN PARA PADAANIN NILA AKO O KAYA NAMAN APO AKO NI NINOY AQUINO PARA BIGYAN AKO NG V.I.P. TREATMENT. Masakit isipin, kaya dali-dali kong inalis sa utak ko. May tamang oras para diyan. At ngayon, ang alam ko lang late na ako.

    Hinawakan ko ng mahigpit ang estribo. Tumingin sa likod ng umaandar na bintana. Kahirapan. Walang hanggang kahirapan ang natatanaw ng nakasimangot na mga mata; mga tambay na binatang naninigarilyo sa bubong ng mga bahay nila, mga nagtsitsismisan na ilaw ng tahanan at mga batang hubo't hubad na kumakain ng kendi.
    Kendi!
    Bigla kitang naalala. Dahil sa pagmamadali ko hindi ko nabilan ng kendi ang paborito mong anak.

    Mula nang pumasok ako sa kolehiyo, araw-araw na kitang nakikita sa batuhan, nakaupo ka lang doon at nagmamasid. Pagbababa ako ng tren, nakatingin ka sa akin, basa ang iyong mata ngunit nakangiti ka pa rin. Dahil doon, nilapitan kita. Nagulat ako nang humingi ka sa akin ng kendi, ang sabi mo ibibigay mo sa paborito mong anak. Meron ako sa bulsa, kahit iisa na lang 'yon binigay ko pa rin sayo. Tinanong kita kung sino ang hinihintay mo. Ang tanging sambit mo lang, "Darating ang anak ko dito."

     Sta. Mesa Station. Sabi ng maginoong boses sa speaker. Bumaba na ako. At gaya ng dati, nadatnan kita sa batuhan kasama pa rin ang nanlulumong mga mata at pawis dala ng mainit na panahon. Nakangiti ka habang papalit ako sa iyo ngunit binawi mo ang matamis na ngiting iyon nang aking sabihin na wala akong dalang kendi. Nangako naman ako na bukas dalawa ang ibibigay ko. At sa pangalawang pagkakataon, ngumiti ka. Pagod na ngiti ang nakita ko. Pinagmasdan kita sandali kahit alam ko na huli na ako sa klase. Nakita ko ang pangungulila, ang kalungkutan na inilalarawan ng mga mata mo. Pagtalikod ko sa iyo, narinig ko ang sinabi mo, "Darating ang anak ko dito."

    Maaga pa para  umuwi ako sa bahay. Naisip ulit kita. Panigurado gutom ka na. Dumaan ako sa kantin upang bumili ng isang order ng kanin at ulam. Nang masdan ko ang hawak kong pantawid gutom, napansin ko kung gaano ito kakonti. Iba na talaga ang panahon. Ang dating konti lalo pa ring nababawasan. Ang siopao noon, sioplet na lang ngayon ngunit ganoon pa rin ang presyo. Nauunawaan mo ba ang ganitong bagay o ang tanging alam mo lamang ay ang maghintay?

    Ginagamot mo ang sugat sa tuhod mo nang dumating ako. Tinanong kita kung saan iyan galing, "Nadapa na naman ako." sabi mo. Patong patong na siguro ang pilat mo sa katawan dahil lagi ka na lang nadadapa sa matutulis na batong nakapaligid sayo. Ngunit ayaw mo naman umalis sa lugar na iyon sapagkat sa paniniwala mo----darating ang paborito mong anak.

    Iniabot ko ang kapirasong ulam at kanin. Natuwa ka at nagpasalamat. Sa oras na iyon, natuklasan ko kung gaano karaming kendi na ang naibigay ko. Ayun nakasupot katabi ng itim at punit mong bag. Napagtanto ko na matagal na pala kitang kilala Mang Reynaldo.  Oo, Mang Reynaldo ang tawag ko sa iyo. Iyan ang pangalan na sinabi mo sa akin. Pangalan na puno ng dalamhati at pag-asa. Sa katunayan, naiinggit ako sa anak mo sapagkat mahal na mahal mo siya. Hindi katulad ko, walang amang nagmamahal sakin. Tatlong taong gulang ako nang sinabi sa akin ng inay na wala na si tatay. Nalungkot at umiyak ako. Kagaya mo Mang Reynaldo, hinihintay ko ang pagdating niya, na  isang araw kakatok siya sa pinto ng aming bahay  at yayakapin ako ng mahigpit. Puno ng pagmamahal. Ngunit alam kong hindi iyon mangyayari. Walang pag-asa.

    Nagpaalam ako sayo at nangakong babalik kinabukasan, bitbit ang dalawang kending ibibigay ko. Tumayo ka at tumingin sa akin sabay sambit, "Mahal ka ng tatay mo, tulad ng pagmamahal ko sa anak ko." At sa sandaling iyon, tumulo ang luha sa aking mga mata  habang nakatitig ako sa maaliwalas mong mukha. Ngayon ko lang nakita ang kapayapaan---- doon sa lugar kung saan puno lagi ng pawis at tuyong luha ang pisngi; mga labi na hindi bumubuka, ngayon ay hugis buwan sa kagalakan; kapayapaan habang itinataas mo ang kamay upang magpaalam. Babalik ako Mang Reynaldo.

    Mabigat ang pakiramdam ko nang tumayo ako sa higaan. Hindi ko pa rin malimutan ang sinabi mo noong gabing iyon. Kung paano ka nagpaalam sa akin. Kung paano mo ako sundan ng tingin sa paglayo ko. Hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili kung bakit mahalaga ka sa akin Mang Reynaldo. Siguro nakikita ko lang sayo si tatay.

    Binuksan ko ang telebisyon habang kumakain kami ni inay. Bumungad sa amin ang balitang nakapagpabago sa takbo ng buhay ko. "Reynaldo." pabulong na sinabi ni inay. Tinitigan ko siya habang pumapatak ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang nangyayari. Naririnig ko lamang ang boses ng brodkaster sa telebisyon...
    
    "Sa wakas nahuli na nang otoridad ang pumugang preso ng lokal na barangay sa Sta. Mesa Manila kaninang alas-syete ng umaga na kinilala sa pangalang Reynaldo De Guzman..."

    Reynaldo De Guzman.

    Nakatitig pa rin ako sa aking inay habang unti-unting pumapasok sa isipan ko ang sinasabi ng brodkaster...

    "Nanlaban ang suspek at tumakbo kaya naman binaril ni PO3 Santos si De Guzman at napag-alaman na wala na itong buhay..."

    Inalis ko ang tingin sa lumuluha kong inay at dahan-dahang tumitig sa telebisyon. Nakita kita. Nakita kita Mang Reynaldo! Pumikit ako. Ayokong dumilat dahil mahirap harapin ang reyalidad. Mas gusto kong pumikit. Ayokong makita ang mundo.

    Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit kita nilapitan noong unang araw na nakita kita, kung bakit dinalhan kita ng kanin at ulam noong gabing iyon, kung bakit lumuha ako nung nagpaalam ka at alam ko na kung bakit mahalaga ka sa akin Mang Reynaldo. Alam ko na.

    Bumalik ako sa batuhan kung saan dati kang nanalagi. Doon ay nakita ko ang nakakalat na mga kendi. Pinulot ko isa-isa at inilagay sa parehong supot kung saan mo iyon ibinalot. Para sa akin pala 'yun Mang Reynaldo. Alam ko na ngayon. SANA NALAMAN KO NA DATI PA, PARA INAKAY KITA SA MGA SANDALING NADADAPA KA SA BATUHAN.

    Sa sandaling nakatitig ako sa lugar ng ating unang pagtatagpo, hindi naiwasan ng aking luha ang pumatak at maglakbay sa batuhan patungo sa iyong alaala. KUNG MAY PAGKAKATAON AKONG IBALIK ANG PANAHON KUNG SAAN NAKIKIPAGSIKSIKAN AKO SA GALIT NA MGA TAO MAKARATING LAMANG SA KINALALAGYAN MO, HINDI AKO MAGDADALAWANG-ISIP GAWIN ITO.

    Mang Reynaldo, sa puntong ito ng unang dapit-hapon ng aking buhay na wala ka, tinitiyak ko na hindi ka mawawala sa puso ko.

    Muli, umupo ako sa batuhan kung saan ko unang nakita ang basa mong mga mata, doon ay nanatili ako hanggang sa oras ng iyong huling paalam.

    Pumikit ako saba'y sambit, "'Tay, nandito na ako."   






    

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

CAROUSEL'S CAROL

  ALPHABET SERIES /part 3/   Joyful tears cascaded down my cheek,     as the striking piece of memory pops like a gee.     The calendar was still ringing with mental traces,     while the history of my timeline presents. In this 6-cycle carousel, where laughter are dancing with the wind, where colts are running with a hard tail  of course hair, where old folks are turning like 7-year old kids. "  I tell you the past is a bucket of ashes." Carl Sandburg declared. " The future is purchased by the present." Samuel Johnson said. " When all else is lost, the future still remains." Christian Nestell Bovee cited. But for me, all would have treasured in the end.     Singing the lullaby of the ended days,     Pursuing to locked in the invented brains.     It maybe a child's game,     but happiness are all the same. ...

When The World Says It's Over

    "Maybe I'm just too numb to realize that cats will never be with rats forever." WINTER OF 2000     You are my safe haven.     Once, I dreamt of a beautiful castle just like in fairy tales guarded by hundreds of sentinel and served by thous ands of  maids and butlers. But now, I'd just dream of a home. Being a solitary creature, I enjoy every moment with myself, pleasuring the time left in my fabricated hour glass and making my own time machine for rewinding auspicious moments...      Until you came...     Every time I see you outside my porch, half-smiling with the gentle blow of the wind on your face, I realized that I am no longer a loner. That morning, you came with your enchanting militaristic posture. And I know, as you also knew that, that was the reason why my heart started beating with the rhythm th at's e xactly your own.     You h ave  entered to my so-called solitary...

Sa Isang Iglap : Pag-amin (PART 1)

Hindi ko namalayan na iniisip na pala kita. Akala ko naaalala ko lang 'yung mga bagay na nangyari sakin sa isang buong araw. Akala ko normal lamang na maglaro ka sa imahinasyon ko dahil bahagi ka ng labing-dalawang oras ko sa kalsada.  Nagtataka lang ako. 'Nung una, isang tipikal na araw lamang ang pagpasok sa opisina. Isang tipikal na oras lamang ang paghikab sa jeep ng dalawang oras. Isang tipikal na minuto lamang ang pagtambay sa cafeteria nang nag-iisa. Pero ngayon parang ang mga bahaging iyon ay hindi na mauulit kasi dumating ka. Nagtataka lang ako. Sanay akong mag-isa. Lahat ata ng bagay ginagawa ko ng walang tulong. Kumakain sa labas ng mag-isa, nagkakape sa labas ng mag-isa, bumibili ng libro mag-isa, tumatambay sa Happy Lemon ng mag-isa. Pero ngayon tinatanong ko sa sarili ko kung pwede ba kitang yayain minsan? Tambay naman tayo.  Nagtataka lang ako. Bago ka dumating, isa akong pribadong tao, misteryoso sa paningin ng iba. Lahat sinasarili ko,...