Skip to main content

Ngiti




..SA NAKARAAN

     Magkabila ang ginagalawan nating mundo. Ni-hindi tayo magtagpo kahit sa boundary lang. May instances naman na magkatalikuran na tayo hindi pa natin alam. Nakangiti ka habang ako naghahanap. Eh ano nga ba ‘yung hinahanap ko? Hindi din ako aware kung ano ba talaga kaya ayun umalis na lang ako. Hindi ako lumingon sa kinalalagyan mo pero alam ko nakangiti ka pa rin. Ang sarap siguro sa feeling kung ang ngiti mong ‘yun ay para sakin. Wala lang naisip ko lang, kahit hindi kita kilala at hindi mo din ako kilala.

     Hindi ko alam kung ‘san patungo ‘tong kwento ko. Ang alam ko lang ay nai-imagine ko ‘yung mukha mo kaya ako nagsusulat. Pero hindi talaga kita kilala. Hindi talaga. Ewan ko ba. Para akong praning kaka-type ng mga letra. Eh bawat letra naman ay parang sumisimbolo sa pangalan mo. Pero hindi ko alam ang name mo. Hindi talaga.

     Gusto kong tanungin ‘yung pangalan mo para may rason naman ako kung bakit ako nagsusulat. Pero hindi kita makita. Kahit san man ako tumingin ni-anino mo ay parang hangin sa akin, nararamdaman lamang kita pero kahit kailan di ko magawang titigan. Ewan ko. Hindi naman talaga kita kilala eh pero grabe ‘yung nararamdaman ko ngayon --- pagdating sa’yo.

     Bakit ganun? Feeling ko lagi kang nakangiti habang may kausap na iba. Sino ba ‘yun? Super special ba sa’yo? Babae ba? O tropa mong lalaki? Nararamdaman ko kasi na parang ayaw mo siyang mawala sa’yo. Napakaswerte naman ‘nung tao na ‘yun kung sino man siya dahil nagagawa ka niyang pasayahin at pangitiin sa araw-araw. Siguro… girlfriend mo no? Mayroon na? Ayyy… akala ko naman may pag-asa pakong makausap ka nang walang nagagalit. Alam mo na…

     Ang babaw nito… sobrang babaw pero ang sarap din kasi sa pakiramdam na nagsusulat ka without the rules. Wala enjoyin mo lang yung spontaneity ng words na lumalabas sa utak mo. Para itong refreshment sa komplikado kong buhay… gaya mo… isa kang hangin sa gitna ng malawak na palayan.

     Pero ‘san ba kita hahanapin? Gulo.





…SA KASALUKUYAN

     Parang nakita ko na ‘yung hinahanap ko. Hindi dahil tinitigan ko siya kundi dahil ito ‘yung naramdaman ng puso ko. Parang sinasabi nito na “uy Jen! Ayan na siya! So proud of you! After long months of searching finally nakita mo na!” Sabi ko naman, “uy, thank you ah! Kahit hindi man makita ng mata ko atleast naramdaman naman ng puso ko. Buti andyan ka!” Ay korny na pero ‘yun ang totoo. Minsan sa buhay natin hanap tayo ng hanap sa isang tao na alam naman natin na hindi kailan man dadating habang ‘yung ibang nagmamahal sa atin andyan lang nakatengga, hinihintay naman tayo na mapansin sila. Gulo ng life! Buti na lang may emosyon para kung hindi man natin magamit ang five senses, andyan pa rin siya para punan ang mga ito.

     Pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, binibigay ni Lord ‘yung mga bagay na makakapagpasaya sa atin ng todo. Magtiwala ka lang sa Kanya at syempre maging matiyaga at matapang sa pagtupad ng kung ano man ang nais mo at tiyak pagdating ng tamang panahon malalasap mo ang pinakahihintay mong pangarap.

     So ayun sinubukan ko na umalis saking comfort zone, literally! I had just encroached upon the boundary! Pumunta ako kung nasaan siya. Iba pala ang pakiramdamm na naglakbay ka sa buhay ng iba. Ibang-iba ‘yung mundo niya sa mundo kong ginalawan ng 24 years! Nung una hindi ko pa siya makita, hindi ko siya maramdaman. Naku para akong nawalan ng pag-asa. Pero narinig ko… narinig ko yung masarap niyang tawa. Bigla akong napangiti ng hindi inaasahan. Hinanap ko kung san nanggagaling ‘yung boses. As usual may kausap ka na naman. Nakatalikod ka sakin. Gusto kitang tawagin pero hindi kita kilala. Hindi ko alam ang pangalan mo. Naramdaman ko na lamang na ang bilis na pala ng tibok ng puso ko… nasa harap mo na pala ako.




…SA HINAHARAP

      Para akong uminom ng twenty mugs of coffee sa bilis ng tibok nitong puso ko. Hay grabe! Lahat ng inipon kong lakas sa sarili kong mundo ay naglaho pagkaharap ko sayo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tatanungin ko ba muna ang name mo? Ang awkward lang. Tapos shake hands? Ang formal lang. Tapos beso-beso? Ayyy! Hindi. Mali. Ano ba?

     Ayun nakatayo ako dun at ‘yung pinangarap kong ngiti dati mula sayo ay katotohanan na ngayon. Grabe. Hindi ko maarok ang kasiyahang dulot ng pakiramdam ko ngayon! So ano na? Ano nang gagawin ko?

*krooo
*krooo
*krooo…

     Nakatingin na ako sa mga mata mo ngayon. Hindi ako nagkamali. May mararating rin pala ang pagsunod sa kung ano man ang nararamdaman. Kailangan lang ng lakas ng loob upang harapin ito. At ngayon nga’y hinaharap ko na, hindi naman ako makapagsalita. Hayyy! Ano ba!

*krooo
*krooo
*krooo…

*krooo

At isa pang…



*krooo

     Ay teka napansin ko lang na tayo na lang palang dalawa ang nandito. Nasan na ‘yung mga tao? Agad-agad nawala? Ang dami nila kanina ah! Pero never mind. Ang importante ay ang ngiti mo na direktang tumutusok sa namumula kong mukha. Iihhh!

     Naging magaan na ang aking pakiramdam nang ikaw mismo ang nagbasag ng katahimikan. Nagkwento ka at ako ay nakatingin lamang sayo. Para kang isang bata sa kung paano mo iakto ang facial expressions mo. Nakakatuwa. Nakaka-inlove. Bumalik sa aking gunita ang mga panahon na ako ay nasa aking sariling mundo, dinarama ang iyong ngiti sa aking imahinasyon at nire-record ang bawat tawa na aking naririnig mula sayo. Gaya ngayon, parehong-pareho ang tawang iyon sa naririnig ko habang kausap na kita. Bakit kaya? Parang naulit ang lahat. Para bang matagal na tayong magkausap sa same exact spot na ito. Hmmm? Pati ang mga ngiti mong kay kislap ay tila nakita ko na rin sa nakaraan. Posible kaya?


     Posible kayang makausap kita nang walang nagagalit?








Comments

Popular posts from this blog

Life Today /vol. 2/

What am I thinking just about right now? As a prologue to this self-proclaimed novel, let me first describe this wondrous night of 28th where November is just about to lose its glorious turn in this year of the sheep. Well, the noises were really evident with entertaining voices that were overlapping in a series of changing channels; the night has been splashing icey rains since the weather station announced to has been monitoring a possible typhoon; the smell of freshly brewed coffee that was left intact under my nostrils as I was drinking it earlier before I got home; the frenzied emotion I have feeling as I finally kiss my bed goodnight after that long and tiring battle for eternal city traffic. So imagine how it was entirely engaging (or probably not) to put my thoughts into a thousand repeated letters which I can call my blog. And yeah that was one hell of an introduction! As I am clinging with the literal scenarios of my daily life, I have come to unde...

Saving Santa

I wasn't able to post this during holiday seasons. Anyways, here it is.      Is Santa will finally come to town?      "You better watch out. You better not cry. You better not pout. I'm telling you why..." Most probably you had sung it with joyous laughter and nostalgic smiles thinking that Christmas has already giving massive excitement to everyone most especially when you have thought of spending it with the ones you truly loved. But not everyone has given this kind of opportunity. More often than not, Filipinos (including you) value practicality up to the point when you are ready to exchange series of most celebrated holidays to years of servitude away from your families. But moments later you have trouble remembering when the last live hugs and kisses you had with them were, considering that your mind has only been seeing portraits and virtual images of them for the longest period of time. Others call this a long-distance relation...

HOUSE BILL 5225 (VIOLATION KEPT HIDDEN)

Sometimes violation cannot be seen. We are restricted to label them as one because we are busy pushing ourselves to the waves of narrow-minded people. I fully remembered the day when I was walking alone inside a not so famous mall, scrubbing my shoulders to the full-length windows of different stores and making wishes that all of these clothes and shoes could be mine forever (fingers crossed!) while sipping my favorite nai cha (milk tea). After an hour of walking and wishing and sipping, I just suddenly felt a need for bathroom. I searched for one and when I am about to enter the comfort room (it is not for comfort, seriously), a guard or whatever you called it suddenly waved at me and said,  "Ma'am bayad po muna."  I felt the raged of blood inside my system and asked her,  "Ha? Bakit po may bayad? Diba po public toilet ito?"  And then she replied with uneasiness, "May bayad po five pesos, kung ayaw niyo po doon na lang kayo mag c-r...