ALPHABET SERIES /part 8/
Halika na at aariin natin ang gabi,
Kung saan lamig ang siyang naghahari.
Muling ibulusok ang init,
Na tanging silid ang nagkukubli.
Halina't sindihan upang apoy ay mag-alab,
Ngunit dahan-dahan lang upang 'di gaanong mag-liyab.
Sabay nating halikan ang gabi,
At ipagpatuloy ang init.
Unti-unti.
Gumagapang.
Nanunuyo.
Lumalalim.
Tumatagal ang pagkawala ng araw,
Tila hinahanap ang kumikislap na silaw.
Mananatili tayong ganito,
Sumasabay sa alon ng emosyon.
Alam kong darating ang liwanag,
At iinit ang buong kapaligiran.
Ngunit pagsapit muli ng gabi,
Tayo ay magtatalik uli.
(Tumutukoy sa Furnace)
Comments
Post a Comment