ALPHABET SERIES /part 4/ " Siguro nga sasalungat ang ulan kapag sinabi kong katulad ito ng mga luhang nakita ko." Sa tuwing lalabas ako ng bahay, sinasaisip ko palagi ang mga magagandang posibilidad na mangyayari sa isang araw, THINKING OF POSITIVE THINGS ika nga. At ngayon ngang araw na ito, nandito muli ako sa harap ng bahay namin, syempre balik sa dating gawi... Inhale. Exhale. Kalimutan ang kalungkutan. Isuot ang ngiti. Sabay salpak ng dumadagundong na musika sa aking tenga. Sakto, tinutugtog sa mp3 player ko ang positive vibration ng paborito kong reggae band na Tropical Depression. Ayos, magiging maganda ang araw ko. Pagkababa ko ng pedicab , ngiti agad ang ibinayad ko kay Manong Drayber sabay lakad papunta sa sakayan ng dyip. Ang daming pasahero . Rush hour kasi ng umagang 'yon pero nakakita pa ri...
...story behind pen and paper