Slam poetry vol. 1 (FREE WRITING)
PAG-IBIG SA DULO NG LAPIS
oo
oo ang sinabi mo 'nung una kitang tinanong kung mahal mo ko
oo din ang bumulusok mula sa nakangiti kong labi 'nung tinanong mo kung mahal kita
ngunit hindi...
hindi ang iyong tugon sa tanong kong, KAYA MO BA AKONG IPAGLABAN?
hindi din ang sagot ko sa tanong mo na, KAYA MO BA AKONG BITAWAN?
Siguro nga pareho lang tayo...
Pareho lahat sa mga sagot na nilikha natin
Pero tututol ako kapag sinabi nilang magkatugma ang mga tanong natin
Lahat ata hindi maari... lahat ata ay di akin.
Mabuti na nga lang sa mga panahong hindi ko maintindihan kung may TAYO ba,
Naiisip ko na lang ang future na TAYO na.
Mali ba?
Mali bang maramdaman na kahit sa maikling sandali lang ay naging bahagi ka ng buhay ko?
at naging bahagi ako ng buhay mo?
kahit isang malaking fuck you ang lahat.
natatandaan ko pa 'non, pa-ngiti ngiti ka pa sa harap ko.
nahuhuli ko 'yang mga mata mo, lumiliwanag kapag nakikita ako
pero ngayon, kahit may gamit ka ng flashlight, madilim pa din kapag nadevelop na ang picture.
naisip ko, mawawala din pala ang lahat... masisira din ang film at mangangatngat ng daga ang mga pagkatago-tagong pictures.
Pati ang pag-ibig mo... wala na.
Pero ang lead ng lapis ko nandito pa.
sige na nga aaminin ko na...
sumusulat ako
sumusulat ako ng pag-ibig
sumusulat ako ng pag-ibig mo
sumusulat ako ng pag-ibig mo dati
sumusulat ako ng pag-ibig dahil sayo
at ngayon susulat ako ng pag-ibig para sa sarili ko.
mahirap bitawan ang mga alaala mo
kaya nang magkaroon ako ng chance para balikan 'to
hindi ako nagdalawang isip
sumakay ako ng jeep pa-south,
forty-five pesos ang pamasahe, may katabi pa akong manyak
pero okay lang, basta makita lang kita...
kahit walang kasiguruhan, kahit alam kong dadating ang kapaguran.
ngunit kagaya ng dati,
nabigo na naman ako.
hindi kita nahanap.
tumayo ako sa gitna ng footbridge habang ang mga tao
ay nakangiting dumadaan.
ako nga lang ata ang nakasimangot
tulad sa pelikula, kung 'san nagiging wave ang paglisan ng tao...
naranasan ko 'yun pero dapit-hapon na, ni-anino mo ay diko nahagilap.
sige na nga aaminin ko na...
sumusulat ako
sumusulat ako ng pag-ibig
sumusulat ako ng pag-ibig mo
sumusulat ako ng pag-ibig mo dati
sumusulat ako ng pag-ibig dahil sayo
at ngayon susulat ako ng pag-ibig dahil sa alaala mo...
kahit na alam kong mauubos din ang lead ng lapis ko.

Comments
Post a Comment