Skip to main content

DAIGDIG SA INIT

   














ALPHABET SERIES /part 4/



 " Siguro nga sasalungat ang ulan kapag sinabi kong katulad ito ng mga luhang nakita ko."



    Sa tuwing lalabas ako ng bahay, sinasaisip ko palagi ang mga magagandang posibilidad na mangyayari sa isang araw, THINKING OF POSITIVE THINGS ika nga. At ngayon ngang araw na ito, nandito muli ako sa harap ng bahay namin, syempre balik sa dating gawi...

    Inhale.
    Exhale.
    Kalimutan ang kalungkutan.
    Isuot ang ngiti.
  
   Sabay salpak ng dumadagundong na musika sa aking tenga. Sakto, tinutugtog sa mp3 player ko ang positive vibration ng paborito kong reggae band na Tropical Depression. Ayos, magiging maganda ang araw ko.
    Pagkababa ko ng pedicab, ngiti agad ang ibinayad ko kay Manong Drayber sabay lakad papunta sa sakayan ng dyip. Ang daming pasahero. Rush hour kasi ng umagang 'yon pero nakakita pa rin ako ng dyip na walang sakay sa tabi ng drayber. Dali-dali akong tumakbo para hindi maunahan ng iba pang nagmamadaling pasahero. Katulad ng iba, gusto ko ring umupo sa kanang upuan katabi ang drayber. Hindi dahil sa type ko ang drayber o ayoko lang mag-abot ng bayad ng ibang pasahero, kundi dahil sa pwesto na 'yon, matatanaw ko ng maigi ang binabaybay naming service road. Kasama na dito ang mga taong nag-uunahang sumakay sa nakatigil na bus; ang stop light na halos trenta minutos bago mag green; mga batang nagpapakilalang badjao na sumisilip at kumakatok sa mga mamahaling iwas-dumi-na-bintana ng mga hari at reyna; mga tumatawid na pasaway na tao sa NO JAYWALKING  zone at "BAWAL TUMAWID, NAKAMAMATAY" banner; at mga taong grasa na bising bisi sa kausap nilang "INVISIBLE MAN."



    Ito lang naman ang dahilan ko. Sa madaling salita, ang makita ko ang kalagayan ng ginagalawan kong lipunan na masaya at kuntento na sa paulit-ulit na pamumuhay.

    Bigla akong nalungkot.



    Trapik na naman. Hindi ko maiwasang hindi sumimangot. Idagdag pa dito ang kalunos-lunos na kalagayang nakita ko...
    Isang matandang babaeng nakaupo sa kumpol ng basura at sari-saring basahan sa ilalaim ng poste. Pinagmasdan ko siya. Minsan bumubuka ang bibig dahil kausap nga niya si Invisible Man at minsan naman, nakatunghay lang siya sa mga dumadaang sasakyan sa harap niya.
    Malungkot ang kanyang mga mata.
    Nakahahabag.



    Hindi lang ang matandang babaeng iyon ang nakita ko. Napansin ko rin ang lalaki na animo'y barangay tanod na naglalakad paroon at parito, habang ang kanyang isang kamay ay nandun sa loob ng kanyang sira sirang pantalon. May mahabang buhok at may lumang panyo na nakatali sa kanyang ulo. Sa unang tingin, aakalain mong si Captain Jack Sparrow ng epic movie na Pirates of the Carribean.



    Sa wakas, malapit na rin ako sa aking pupuntahan. At kung babalikan ko ang maikling paglalakbay sa reyalidad, hihilingin ko lang na sana ay scripted na lang ang lahat ng nakita ko at ito ay isa lamang sa libo-libong istorya na inilalarawan ng malikhaing gawa sa telebisyon. At sana ang mga taong pinagkaitan ng kaligayahan ay sila palang mga bidang artista sa malaking produksyon na ito.



    Siguro nga sasalungat ang ulan kapag sinabi kong katulad ito ng mga luhang nakita ko. Dahil kapag ang ulan ang   pumatak, wala itong pakialam  kung may masaktan man ngunit kapag luha ang dumaloy, siguradong masasaktan at makikialam ang puso.






    

Comments

Popular posts from this blog

Life Today /vol. 2/

What am I thinking just about right now? As a prologue to this self-proclaimed novel, let me first describe this wondrous night of 28th where November is just about to lose its glorious turn in this year of the sheep. Well, the noises were really evident with entertaining voices that were overlapping in a series of changing channels; the night has been splashing icey rains since the weather station announced to has been monitoring a possible typhoon; the smell of freshly brewed coffee that was left intact under my nostrils as I was drinking it earlier before I got home; the frenzied emotion I have feeling as I finally kiss my bed goodnight after that long and tiring battle for eternal city traffic. So imagine how it was entirely engaging (or probably not) to put my thoughts into a thousand repeated letters which I can call my blog. And yeah that was one hell of an introduction! As I am clinging with the literal scenarios of my daily life, I have come to unde...

Saving Santa

I wasn't able to post this during holiday seasons. Anyways, here it is.      Is Santa will finally come to town?      "You better watch out. You better not cry. You better not pout. I'm telling you why..." Most probably you had sung it with joyous laughter and nostalgic smiles thinking that Christmas has already giving massive excitement to everyone most especially when you have thought of spending it with the ones you truly loved. But not everyone has given this kind of opportunity. More often than not, Filipinos (including you) value practicality up to the point when you are ready to exchange series of most celebrated holidays to years of servitude away from your families. But moments later you have trouble remembering when the last live hugs and kisses you had with them were, considering that your mind has only been seeing portraits and virtual images of them for the longest period of time. Others call this a long-distance relation...

HOUSE BILL 5225 (VIOLATION KEPT HIDDEN)

Sometimes violation cannot be seen. We are restricted to label them as one because we are busy pushing ourselves to the waves of narrow-minded people. I fully remembered the day when I was walking alone inside a not so famous mall, scrubbing my shoulders to the full-length windows of different stores and making wishes that all of these clothes and shoes could be mine forever (fingers crossed!) while sipping my favorite nai cha (milk tea). After an hour of walking and wishing and sipping, I just suddenly felt a need for bathroom. I searched for one and when I am about to enter the comfort room (it is not for comfort, seriously), a guard or whatever you called it suddenly waved at me and said,  "Ma'am bayad po muna."  I felt the raged of blood inside my system and asked her,  "Ha? Bakit po may bayad? Diba po public toilet ito?"  And then she replied with uneasiness, "May bayad po five pesos, kung ayaw niyo po doon na lang kayo mag c-r...