Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2016

Sa Isang Iglap : Pag-amin (Part 2)

Pilitin ko man na itago ang nararamdaman ko, hindi ko magawa kasi sa tuwing lalapit ka, parang sa isang iglap lang ay bumubuhos ang mga salita mula sa labi ko. Hindi ko alam. Siguro nga ganito ang nararamdaman ng isang taong nagmamahal. Mahirap alisin sa dibdib, mahirap itago. Wala nang ibang paraan kundi sabihin na lamang. Hindi ko alam.  

Sa Isang Iglap : Pag-amin (PART 1)

Hindi ko namalayan na iniisip na pala kita. Akala ko naaalala ko lang 'yung mga bagay na nangyari sakin sa isang buong araw. Akala ko normal lamang na maglaro ka sa imahinasyon ko dahil bahagi ka ng labing-dalawang oras ko sa kalsada.  Nagtataka lang ako. 'Nung una, isang tipikal na araw lamang ang pagpasok sa opisina. Isang tipikal na oras lamang ang paghikab sa jeep ng dalawang oras. Isang tipikal na minuto lamang ang pagtambay sa cafeteria nang nag-iisa. Pero ngayon parang ang mga bahaging iyon ay hindi na mauulit kasi dumating ka. Nagtataka lang ako. Sanay akong mag-isa. Lahat ata ng bagay ginagawa ko ng walang tulong. Kumakain sa labas ng mag-isa, nagkakape sa labas ng mag-isa, bumibili ng libro mag-isa, tumatambay sa Happy Lemon ng mag-isa. Pero ngayon tinatanong ko sa sarili ko kung pwede ba kitang yayain minsan? Tambay naman tayo.  Nagtataka lang ako. Bago ka dumating, isa akong pribadong tao, misteryoso sa paningin ng iba. Lahat sinasarili ko,...