‘Nang pumatak ang huling ulan sa aking mga kamay, naisip kong ito pala ang unang pagkakataon na ang luha mo ay akin nang matitikman.’ Tayo ay nagsimula bilang ordinaryong mag-aaral sa isang kilalang U nibersidad sa Maynila. Naging kamag-aral kita. Hindi kita pinapansin sapagkat laging nakapalibot sa iyo ang mga barkada mong tila “black parade” ang tema ng kasuotan. Ngunit ikaw ang naiiba sa kanila. Napakasimple mong manamit. Okay na sa iyo ang puting v-neck na damit. Ang lagi mo noong sinasabi na kapag suot mo ang damit na iyon ay kamukha mo na si Vin Diesel. Sige na nga kahawig mo na kahit napaka-kapal ng buhok mo. Hindi ka palasagot sa klase, tahimik at parang laging may iniisip. Ang mga mata mo nakatingin s...
...story behind pen and paper